Isang magandang bati sa lahat!
Iba't ibang isyu ang kinakaharap ng ating lipunan kung kaya't kaming mga kabataan ay dapat na may sapat na kaalaman tungkol dito upang hindi na madagdagan ang mga isyung ito.
Sa lahat ng isyung kinakaharap ng ating lipunan isa rito'y nakaagaw ng aking pansin, ang kahirapan.
Kahirapan ang kadalasang napag-uusapang isyu ng lipunan. Dahil sa isyung ito maraming tao ang naapektuhan at nakagagawa ng kasalan, kumakapit sa patalim kumbaga.
Maraming kabataan ang walang natutunan dahil hindi nakakapag-aral bunsod na dala ng kahirapan, walang perang panggastos ang kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral.
Sa halip, ang mga kabataang ito'y natututong magtrabaho kahit wala pa sa tamang edad, natututong magnakaw, gumamit ng droga, mamalimos sa lansangan, magsugal at iba pang hindi kaaya-ayang gawain.
Ang mga gawaing ito ay hindi nararapat na magpatuloy pa sapagka't ito ay nakakadagdag ng mga suliranin at nagiging panibagong isyu na naman sa ating lipunan.
Sa aking palagay ito'y masosolusyunan kung mabibigyang pansin ang pagkakaroon ng libreng edukasyon ang ating bansa at ang mga magulang na walang trabaho ay bigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho upang magkaroon ng sila ng puhunan na magagamit nila sa pang-araw-araw na gastusin at sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Sa tingin ko'y isang malaking tulong na ang mga kabataan ay makapag-aral upang magkaroon ng kaalaman kung ano ang tama at ang mali; at nang mababawasan ang mga isyu sa lipunan.
Bilang isang mag-aaral na gustong makatulong sa lipunan kahit sa simpleng paraan lamang, hinihikayat ko ang aking mga kapwa kabataan na mag-aral ng mabuti.
Ang edukasyon ay isang kayaman na hindi kailan man mananakaw sa atin kaya atin itong pahalagahan dahil ito'y makapagbibigay sa atin ng susi ng ating kinabukasan upang makamit natin ang tagumpay.
Dapat tayo ay determinado, may tiwala sa sarili sa bawat gagawin at manalig sa panginoon at humingi ng gabay.